Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 91:4-11

Salmo 91:4-11 ASD

Iingatan ka niya gaya ng pag-iingat ng inahin sa kanyang mga inakay sa pamamagitan ng kanyang pakpak. Ang kanyang katapatan ang iyong magiging pananggalang at tanggulan. At sa gabi, hindi ka matatakot sa anumang bagay, maging sa palaso ng mga kaaway, kapag sumapit ang araw, o sa sakit at mga salot na dumarating sa gabi man o araw. Kahit libu-libo pa ang mamatay sa paligid mo, wala pa ring masamang mangyayari saʼyo. Matutunghayan mo lamang kung paano pinaparusahan ang mga taong masasama. Dahil ginawa mong kanlungan ang PANGINOON, ang Kataas-taasang Diyos na aking tagapagtanggol, walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Sapagkat uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka saan ka man magpunta.