Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 46

46
Salmo 46
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora. Inaawit ito ng soprano.
1Ang Diyos ang ating kanlungan
at kalakasan.
Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo
sa oras ng kagipitan.
2Kaya huwag tayong matatakot
kahit lumindol man,
at gumuho ang mga bundok
at bumagsak sa karagatan.
3Humampas man at umugong
ang mga alon na naglalakihan,
at mayanig ang kabundukan.
4May ilog na nagbibigay ng kagalakan
sa bayan ng Diyos,
sa banal na tahanan ng Kataas-taasang Diyos.
5Ang Diyos ay nakatira sa lungsod na ito
kaya hindi ito magigiba.
Itoʼy kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan.
6Nagkakagulo ang mga bansa;
bumabagsak ang mga kaharian.
Sa sigaw ng Diyos, ang mga tao
ay parang matutunaw sa takot.
7Ang Panginoon ng mga Hukbo
ay kasama natin.
Ang Diyos ni Jacob
ang kanlungan natin.
8Halika, tingnan mo ang mga kahanga-hangang bagay
na ginagawa ng Panginoon sa mundo.
9Kanyang pinatitigil ang mga digmaan
sa lahat ng sulok ng mundo.
Binabali niya ang mga sibat,
pinuputol ang mga pana,
at sinusunog ang mga kalasag.
10Sinasabi niya,
“Tumigil kayo#46:10 Tumigil kayo: O Tumahimik kayo o Bitawan ninyo ang mga armas ninyo. at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.
Akoʼy pararangalan sa mga bansa.
Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
11Kasama natin ang Panginoon ng mga Hukbo.
Ang Diyos ni Jacob ang ating kanlungan.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 46: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in