Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 139:13-24

Salmo 139:13-24 ASD

Kilala ninyo ako, dahil kayo ang lumalang sa akin. Kayo ang humubog sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin. Alam na alam kong ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita ninyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hubugin sa sinapupunan ng aking ina. Nakita na ninyo ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat ninyo bago pa man ito mangyari. O Diyos, hindi ko lubos maunawaan ang mga iniisip ninyo; itoʼy sadyang napakarami. Kung itoʼy aking bibilangin, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. O Diyos, patayin ninyo sana ang masasamâ! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao! Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo. Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan. PANGINOON, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo. Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo. Labis ko silang kinamumuhian; itinuturing ko silang mga kaaway. O Diyos, siyasatin ninyo ako, upang malaman ninyo ang nasa puso ko. Subukin ninyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan ninyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan ninyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 139:13-24