Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 119:169-176

Salmo 119:169-176 ASD

PANGINOON, pakinggan sana ninyo ang aking hinaing. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa ayon sa inyong pangako. Sanaʼy dinggin ninyo ang aking dalangin, at iligtas ako katulad ng inyong ipinangako. Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan ninyo ako ng inyong mga tuntunin. Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat ng inyong mga utos. Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin. PANGINOON, nananabik ako sa inyong pagliligtas. Ang kautusan ninyo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan. Panatilihin ninyo ang aking buhay para kayoʼy aking mapapurihan, at sanaʼy tulungan ako ng inyong mga utos na masunod ang inyong kalooban. Para akong tupang naligaw at nawala, kaya hanapin ninyo ako na inyong lingkod, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong mga utos.