Mga Awit 119:169-176
Mga Awit 119:169-176 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, tanggapin mo ang daing ko na tulungan, at ayon sa pangako mo, pang-unawa ako'y bigyan. Hayaan ang dalangin ko ay dumating sa iyo, O Diyos, sang-ayon sa pangako mo, iligtas ang iyong lingkod. Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin. Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid. Humanda ka sa pagtulong, ito'y aking kailangan, sapagkat ang susundin ko'y ang utos mong ibinigay. Nasasabik ako, Yahweh, sa pangakong pagliligtas, natamo ko sa utos mo, ang ligaya at ang galak. Upang ako ay magpuri, ako'y bigyan mo ng buhay, matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral. Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.
Mga Awit 119:169-176 Ang Salita ng Diyos (ASD)
PANGINOON, pakinggan sana ninyo ang aking hinaing. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa ayon sa inyong pangako. Sanaʼy dinggin ninyo ang aking dalangin, at iligtas ako katulad ng inyong ipinangako. Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan ninyo ako ng inyong mga tuntunin. Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat ng inyong mga utos. Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin. PANGINOON, nananabik ako sa inyong pagliligtas. Ang kautusan ninyo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan. Panatilihin ninyo ang aking buhay para kayoʼy aking mapapurihan, at sanaʼy tulungan ako ng inyong mga utos na masunod ang inyong kalooban. Para akong tupang naligaw at nawala, kaya hanapin ninyo ako na inyong lingkod, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong mga utos.
Mga Awit 119:169-176 Ang Biblia (TLAB)
Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita. Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
Mga Awit 119:169-176 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, tanggapin mo ang daing ko na tulungan, at ayon sa pangako mo, pang-unawa ako'y bigyan. Hayaan ang dalangin ko ay dumating sa iyo, O Diyos, sang-ayon sa pangako mo, iligtas ang iyong lingkod. Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin. Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid. Humanda ka sa pagtulong, ito'y aking kailangan, sapagkat ang susundin ko'y ang utos mong ibinigay. Nasasabik ako, Yahweh, sa pangakong pagliligtas, natamo ko sa utos mo, ang ligaya at ang galak. Upang ako ay magpuri, ako'y bigyan mo ng buhay, matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral. Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.
Mga Awit 119:169-176 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: Iligtas mo ako ayon sa iyong salita. Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. Awitin ng aking dila ang iyong salita; Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; Sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: At ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.