Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 1:1-4

Salmo 1:1-4 ASD

Pinagpala ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama o sumusunod sa maling halimbawa ng mga makasalanan, at hindi nakikisama sa mga taong mapangutya. Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral mula sa PANGINOON, at kanyang pinagbubulay-bulayan ang mga ito araw-gabi. Siyaʼy katulad ng isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Ngunit iba ang mga taong masama; silaʼy tulad ng ipa na tinatangay ng hangin.