Kawikaan 5:3-6
Kawikaan 5:3-6 ASD
Ang salita ng masamang babae ay kasintamis ng pulot at banayad tulad ng langis. Ngunit pagkatapos ay pait at sakit ang iyong makakamit na para bang sugat na mula sa espadang magkabila ang talim. Kung susunod ka sa kanya, dadalhin ka niya sa kapahamakan, sapagkat ang nilalakaran niya ay patungo sa kamatayan. Hindi niya pinapansin ang daan patungo sa buhay. Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko at hindi niya ito nalalaman.

