Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 2:16-20

Kawikaan 2:16-20 ASD

Ilalayo ka ng karunungan sa masamang babae na gustong umakit sa iyo sa pamamagitan ng kanyang matatamis na salita. Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Diyos nang silaʼy ikasal. Kapag pumunta ka sa kanyang tahanan, didiretso ka sa iyong kamatayan, dahil ito ang daan patungo sa libingan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay. Kung sino man ang pupunta sa kanya ay hindi na makakauwi; makakalimutan na niya ang daan patungo sa lugar ng mga buháy. Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka nang matuwid.