Mga Kawikaan 2:16-20
Mga Kawikaan 2:16-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya. Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan. Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay, at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay. Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan, huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid.
Mga Kawikaan 2:16-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ilalayo ka ng karunungan sa masamang babae na gustong umakit sa iyo sa pamamagitan ng kanyang matatamis na salita. Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Diyos nang silaʼy ikasal. Kapag pumunta ka sa kanyang tahanan, didiretso ka sa iyong kamatayan, dahil ito ang daan patungo sa libingan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay. Kung sino man ang pupunta sa kanya ay hindi na makakauwi; makakalimutan na niya ang daan patungo sa lugar ng mga buháy. Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka nang matuwid.
Mga Kawikaan 2:16-20 Ang Biblia (TLAB)
Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay: Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay: Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid.
Mga Kawikaan 2:16-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya. Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan. Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay, at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay. Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan, huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid.
Mga Kawikaan 2:16-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Upang iligtas ka sa masamang babae, Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, At ang kaniyang mga landas na sa patay: Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay: Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, At maingatan ang mga landas ng matuwid.