Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 16:18-25

Kawikaan 16:18-25 ASD

Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak. Mas mabuti pang magpakumbaba kasama ng mga mahihirap kaysa makibahagi sa kayamanang kinamkam ng mga mayayabang. Ang taong nakikinig kapag tinuturuan ay uunlad, at ang taong nagtitiwala sa PANGINOON ay mapalad. Ang marunong ay kinikilalang may pang-unawa, at kung siyaʼy magaling magsalita marami ang matututo sa kanya. Kapag may karunungan ka, buhay moʼy bubuti at hahaba; ngunit kung hangal ka, parurusahan ka dahil sa iyong kahangalan. Ang taong maalam ay nag-iingat sa kanyang mga sinasabi, kaya natututo ang iba sa kanya. Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at nakakapagpasigla ng katawan. Maaaring iniisip mo na ikaw ay nasa tamang daan, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.

Bersikulong Larawan para sa Kawikaan 16:18-25

Kawikaan 16:18-25 - Ang kayabangan ay humahantong
sa kapahamakan,
at ang nagmamataas
ay ibabagsak.

Mas mabuti pang magpakumbaba
kasama ng mga mahihirap
kaysa makibahagi sa kayamanang kinamkam
ng mga mayayabang.

Ang taong nakikinig
kapag tinuturuan ay uunlad,
at ang taong nagtitiwala
sa PANGINOON ay mapalad.

Ang marunong ay kinikilalang
may pang-unawa,
at kung siyaʼy magaling magsalita
marami ang matututo sa kanya.

Kapag may karunungan ka,
buhay moʼy bubuti at hahaba;
ngunit kung hangal ka, parurusahan ka
dahil sa iyong kahangalan.

Ang taong maalam ay nag-iingat
sa kanyang mga sinasabi,
kaya natututo ang iba sa kanya.

Ang matatamis na salita
ay parang pulot-pukyutan,
nakakapagpasaya at nakakapagpasigla
ng katawan.

Maaaring iniisip mo
na ikaw ay nasa tamang daan,
ngunit ang dulo pala nito
ay kamatayan.