Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Filipos 4:18-21

Mga Taga-Filipos 4:18-21 ASD

Ngayon, dahil sa tulong na ipinadala ninyo sa akin sa pamamagitan ni Epafrodito, natugunan na ang mga pangangailangan ko at sobra pa nga. Ang tulong ninyo ay tulad ng mabangong handog sa Diyos na tinatanggap niya nang may kasiyahan. At dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus, ibibigay sa inyo ng aking Diyos ang lahat ng pangangailangan ninyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya. Purihin natin ang ating Diyos at Ama magpakailanman. Amen. Ikumusta ninyo ako sa lahat ng mga hinirang diyan ng Diyos na nakay Kristo Hesus. Kinukumusta kayo ng mga kapatid kay Kristo na kasama ko rito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Filipos 4:18-21