Pagdating ng isa pang Araw ng Pamamahinga, muling pumunta si Hesus sa sinagoga, at dooʼy may isang lalaking paralisado ang isang kamay. May mga taong naroon na nagmamatyag kung pagagalingin ni Hesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. Sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito sa harapan.” Pagkatapos, tinanong niya ang mga tao roon, “Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: Ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?” Ngunit hindi sila umimik. Galit na tiningnan ni Hesus ang mga nakapaligid sa kanya, ngunit nalungkot din siya sa katigasan ng kanilang mga puso. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito. Agad na umalis ang mga Pariseo at nakipagpulong sa mga alagad ni Herodes upang pagplanuhan kung paano nila ipapapatay si Hesus.
Basahin Marcos 3
Makinig sa Marcos 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Marcos 3:1-6
5 Araw
Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.
7 Araw
Ang debosyonal na ito ay magpapasariwa at magbibigay sa atin ng bagong paghahayag tungkol sa tunay na pananampalataya kay Kristo. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad na Kasama ni Hesus," matututo tayong maging mga mananampalataya na lumalago araw-araw sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas