Marcos 2:24-26
Marcos 2:24-26 ASD
Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Tingnan mo ang mga alagad mo! Bakit sila gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?” Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya, at wala silang makain? Pumasok si David sa bahay ng Diyos noong si Abiatar ang punong pari. Kumain si David ng tinapay na inihandog sa Diyos, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon, at binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan.”



