Makalipas ang Araw ng Pamamahinga, sina Maria na taga-Magdala, Maria na ina ni Santiago, at Salome ay bumili ng pabango upang ipahid sa bangkay ni Hesus. Nang araw ng Linggo, kasisikat pa lang ng araw ay pumunta na sila sa libingan. Habang naglalakad sila, nagtatanungan sila kung sino ang mapapakiusapan nilang magpagulong ng bato na nakatakip sa pintuan ng libingan. Dahil napakalaki ng batong iyon. Ngunit pagdating nila roon, nakita nilang naigulong na sa tabi ang bato. Kaya pumasok sila sa libingan, at nakita nila roon ang isang kabataang lalaking nakasuot ng puti na nakaupo sa gawing kanan. Takot na takot sila. Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya. Lumakad na kayo, sabihin ninyo sa mga alagad niya, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita gaya ng sinabi niya.” Kaya lumabas sa libingan ang mga babae at tumakbo dahil sa matinding takot. Wala silang pinagsabihan, dahil takot na takot sila. [ Maagang-maaga pa nang araw ng Linggo nang nabuhay si Hesus. Una siyang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. Siya ang babaeng may pitong demonyo na pinalayas ni Hesus. Pinuntahan ni Maria ang mga alagad ni Hesus na nagluluksa at umiiyak, at ibinalita niya ang mga pangyayari. Ngunit nang sabihin niyang buháy si Hesus at nakita niya mismo, hindi nila siya pinaniwalaan. Pagkatapos noon, nagpakita rin si Hesus sa dalawa pa niyang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang anyo. Kaya bumalik sa Jerusalem ang dalawa at ibinalita sa kanilang mga kasamahan na nagpakita sa kanila si Hesus. Ngunit hindi rin naniwala ang mga ito. Sa bandang huli, nagpakita rin si Hesus sa labing-isa niyang alagad habang kumakain ang mga ito. Pinagsabihan niya sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at sa katigasan ng kanilang puso, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya matapos siyang mabuhay muli. Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao. Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.
Basahin Marcos 16
Makinig sa Marcos 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Marcos 16:1-16
7 Araw
Hango ito sa librong isinulat ni Len Woods na 101 Important Words about Jesus and the Remarkable Difference They Make. Pagbubulayan natin ang mga salitang ito: IPINAKO, KARATULA, DAMIT, KURTINA, HALAMANAN, NABUHAY AT PAGBABALIK. Maipaalala nawa sa atin ng mga salitang ito na binanggit sa Biblia kung ano ang nangyari sa panahon ng Mahal na Araw at higit sa lahat kung ano ang kaugnayan nito sa ating buhay.
8 Days
It’s hard to imagine what Jesus was thinking and feeling in the days leading to cross, but one thing we do know—his trust and assurance in the goodness and faithful love of God. Take a journey this Holy Week through the gospels, walk with Jesus, ask God a simple question, and encounter the vast love of God.
8 Mga araw
Damhin ang tunay na diwa ng Holy Week sa ating “Walong Araw, Walong Aral” na digital campaign! Sariwain natin sa ating isipan ang buhay ni Jesus sa pamamagitan ng mga video clips na gawa ng LUMO Project. Sa inyong panonood, nawa’y makahikayat ang mga video clips na ito ng personal na pagbubulay-bulay at ng mga makabuluhang pag-uusap. Inalay ni Jesus ang kanyang buhay upang tayo ay magkaroon ng pag-asa ang kaligtasan sa pamamagitan niya.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas