May isang tagapagturo ng Kautusan doon na nakikinig ng pagtatalo nila. Napansin niyang mahusay ang sagot ni Hesus, kaya lumapit siya at nagtanong din, “Ano po ba ang pinakamahalagang utos?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan ninyo mga taga-Israel! Ang Panginoon lamang na ating Diyos ang tanging Panginoon. Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong isip, at nang buong lakas!’ At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito.” Sinabi ng tagapagturo ng Kautusan, “Tama po kayo, Guro! Totoo ang sinabi ninyo na iisa lang ang Diyos at wala nang iba. At kailangang mahalin siya nang buong puso, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas. At kailangan ding mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Higit na mahalaga ito kaysa sa lahat ng uri ng handog na sinusunog at iba pang mga handog.” Nang marinig ni Hesus na may katuturan ang mga sagot nito, sinabi niya rito, “Hindi ka nalalayo sa kaharian ng Diyos.” Mula nooʼy wala nang nangahas na magtanong kay Hesus. Nang minsang nangangaral si Hesus sa Templo, tinanong niya ang mga tao, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Mesias ay anak ni David? Samantalang si David mismo, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay nagsabing, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban!” ’ Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siyang naging lahi lang ni David?” Ang mga tao ay giliw na giliw sa pakikinig kay Hesus.
Basahin Marcos 12
Makinig sa Marcos 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Marcos 12:28-37
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas