Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 1:1-8

Marcos 1:1-8 ASD

Ito ang Magandang Balita tungkol kay Hesus, ang Mesias, na Anak ng Diyos. Nagsimula ito ayon sa isinulat ni Propeta Isaias: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.” “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ” Dumating nga sa ilang si Juan na Tagapagbautismo. Ipinangaral niya sa mga tao na kailangan nilang pagsisihan at talikuran ang kanilang mga kasalanan, at magpabautismo para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Pinupuntahan siya ng maraming tao mula sa Jerusalem at sa buong lalawigan ng Judea. Ipinagtatapat nila ang kanilang mga kasalanan at silaʼy binabautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan. Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang kinakain niya ay balang at pulot-pukyutan. Ito ang ipinapahayag niya, “May isang darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang yumuko para magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”