Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 9:35-38

Mateo 9:35-38 ASD

Nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon, at nagturo siya sa mga sinagoga. Ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling niya ang ibaʼt ibang uri ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, naawa siya sa kanila, dahil litong-lito sila at walang tumutulong sa kanila tulad ng tupang walang pastol. Kaya sinabi niya sa mga alagad niya, “Marami ang aanihin, ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”