Namangha si Hesus nang marinig niya ito. Sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa ako nakakakita ng kahit isang tao sa Israel na may ganito kalalim na pananampalataya. Sinasabi ko rin sa inyo, marami ang darating mula sa lahat ng dako ng mundo na kakain sa handaan kasama nina Abraham, Isaac, at Jacob sa kaharian ng Langit. Ngunit maraming Hudyong dapat sanaʼy kasama sa kaharian ang itatapon sa labas, doon sa kadiliman kung saan silaʼy tatangis at magngangalit ang kanilang ngipin.” At sinabi ni Hesus sa kapitan, “Umuwi ka na. Mangyayari ang iyong hinihiling ayon sa iyong pananampalataya.” At nang oras ding iyon ay gumaling ang kanyang katiwala. Pumunta si Hesus sa bahay ni Pedro. Pagdating doon, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat. Hinawakan siya ni Hesus sa kamay at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinagsilbihan si Hesus. Nang magtakip-silim na, maraming mga sinasapian ng mga demonyo ang dinala kay Hesus. At sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng maysakit. Ginawa niya ang mga ito para matupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Kinuha niya ang ating mga kahinaan at pinasan ang ating mga karamdaman.”
Basahin Mateo 8
Makinig sa Mateo 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 8:10-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas