Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 6:8-13

Mateo 6:8-13 ASD

Huwag nʼyo silang gayahin, dahil alam na ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man kayo humingi. “Kaya manalangin kayo ng katulad nito: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang inyong ngalan. Dumating nawa ang inyong kaharian, at sundin nawa ang inyong kalooban dito sa lupa katulad ng sa langit. Bigyan nʼyo kami ng aming pagkain sa araw-araw, at patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyong ipahintulot na kamiʼy matukso kundi iligtas nʼyo po kami sa masama. [Sapagkat inyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]