Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 6:26-30

Mateo 6:26-30 ASD

Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila? Kaya ba ninyong dagdagan nang kahit isang oras man lang ang buhay ninyo sa pag-aalala ninyo? “At bakit kayo nag-aalala kung ano ang isusuot ninyo? Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang. Hindi sila nagtatrabaho o nagtatahi ng damit. Ngunit sasabihin ko sa inyo, kahit si Solomon ay hindi nakapagsuot ng damit na kasingganda ng mga bulaklak na ito sa kabila ng kanyang karangyaan. Kung ganito dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa parang, na buhay ngayon ngunit bukas ay itatapon sa apoy, kayo pa kaya? Tiyak na bibihisan niya kayo nang higit pa sa mga ito. Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!