Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 5:3-10

Mateo 5:3-10 ASD

“Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit. Pinagpala ang mga naghihinagpis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba, sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig. Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad na tuparin ang kalooban ng Diyos, sapagkat silaʼy masisiyahan. Pinagpala ang mga taong mahabagin, sapagkat kahahabagan din sila ng Diyos. Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban sapagkat makikita nila ang Diyos. Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos. Pinagpala ang mga taong inuusig dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 5:3-10