Mateo 28:2-4
Mateo 28:2-4 ASD
Biglang lumindol nang malakas, dahil isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang batong nakatakip sa libingan at inupuan ito. Nakakasilaw na parang liwanag ng kidlat ang kanyang anyo at puting-puti ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga sundalong nagbabantay nang makita ang anghel at silaʼy nabuwal na parang mga patay.





