Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 26:26-28

Mateo 26:26-28 ASD

Habang kumakain sila, kumuha si Hesus ng tinapay. Nagpasalamat siya sa Diyos at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga alagad niya. Sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.” Kumuha siya ng kopang may alak, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Uminom kayong lahat nito, dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao.