Mateo 26:24-25
Mateo 26:24-25 ASD
Ang Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ngunit kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na siya ipinanganak.” Nagtanong din si Judas na siyang magkakanulo sa kanya, “Rabbi, ako po ba iyon?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”




