Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 24:36-44

Mateo 24:36-44 ASD

“Subalit walang nakakaalam tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ng Anak ng Tao. Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagkakainan, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa araw na iyon, kung may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa. At kung may dalawang babaeng nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang isa. “Kaya maging handa kayong lagi, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng pagdating ng inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: Kung alam ng may-ari ng isang bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay. Kaya maging handa rin kayo, dahil ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.