Mateo 22:34-40
Mateo 22:34-40 ASD
Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Hesus, nagtipon silang muli at lumapit sa kanya. Ang isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ay nagtanong kay Hesus para subukin siya, “Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Ang buong Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”




