Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 21:12-17

Mateo 21:12-17 ASD

Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’” May mga bulag at pilay na lumapit kay Hesus doon sa Templo, at pinagaling niya silang lahat. Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!” Sinabi nila kay Hesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?” Sumagot si Hesus, “Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? Sinabi doon, Kahit ang mga bata at sanggol ay tinuruan ng Diyos na magpuri sa kanya.” Pagkatapos, iniwan sila ni Hesus. Lumabas siya ng lungsod at nagpunta sa Betania, at doon siya nagpalipas ng gabi.