Mateo 2:19-23
Mateo 2:19-23 ASD
Nang mamatay na si Herodes, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa panaginip doon sa Ehipto at sinabi nito sa kanya, “Bumangon kaʼt dalhin mo ang bata at ang kanyang ina pauwi sa Israel, dahil patay na ang mga nagtatangka sa buhay ng bata.” Bumangon nga si Jose, at dinala ang mag-ina pauwi sa Israel. Subalit nang malaman ni Jose na si Arquelao ang naghahari sa lalawigan ng Judea kapalit ng ama nitong si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Dahil binalaan siya ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip, sa lalawigan ng Galilea sila tumuloy, at silaʼy tumira sa bayan ng Nazaret. Kaya natupad ang sinabi ng mga propeta na tatawagin siyang Nazareno.





