Nang makaalis na ang mga pantas, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa panaginip. Sinabi niya, “Bumangon kaʼt dalhin mo ang bata at ang kanyang ina, at tumakas kayo patungong Ehipto. Doon muna kayo hanggaʼt hindi ko sinasabing bumalik kayo, dahil hinahanap ni Herodes ang bata para patayin.” Bumangon nga si Jose at nang gabi ring iyon ay dinala ang mag-ina patungong Ehipto. Nanatili sila roon hanggang sa mamatay si Haring Herodes. Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Nang nalaman ni Herodes na naisahan siya ng mga pantas, galit na galit siya. Kaya iniutos niyang patayin ang lahat ng mga batang lalaki sa Bethlehem at sa mga karatig na lugar, mula dalawang taóng gulang pababa. Batay ito sa panahon kung kailan nakita ng mga pantas ang bituin. Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: “May narinig na tinig sa Rama, tumatangis at nananaghoy, iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak, at ayaw niyang magpaaliw, dahil silaʼy pumanaw na.” Nang mamatay na si Herodes, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa panaginip doon sa Ehipto at sinabi nito sa kanya, “Bumangon kaʼt dalhin mo ang bata at ang kanyang ina pauwi sa Israel, dahil patay na ang mga nagtatangka sa buhay ng bata.” Bumangon nga si Jose, at dinala ang mag-ina pauwi sa Israel.
Basahin Mateo 2
Makinig sa Mateo 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 2:13-21
5 Araw
Ngayong Pasko, balikan natin ang kuwento ng pagsilang ni Hesus, mula sa mga aklat ng Mateo at Lucas. Sa bawat araw ng gabay na ito, mapapanood ang isang maikling video ng mahahalagang bahagi ng kuwento.
19 Days
This three week plan walks us through the timeless wonder of how God came to us through His son, Jesus. The plan is designed to begin on a Monday so that each weekend will include shorter content meant for rest and reflection during the holiday season. Join us as we study what the birth of Christ means for our future, present, and past.
25 Days
Christmas is truly the greatest story ever told: one of God’s perfect faithfulness, power, salvation, and unfailing love. Let’s take a journey over the next 25 days to discover God’s intricate plan to save the world from sin and the promises fulfilled in the birth of His Son.
28 Days
Don't lose your focus for the reason of the Christmas season—Jesus. Celebrating Advent is a beautiful way to keep Christ central in the holiday and in this reading plan, you'll take a journey through Scripture to worship our King with daily Bible readings and devotions.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas