Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 19:16-21

Mateo 19:16-21 ASD

May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos niya.” “Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, igalang mo ang iyong mga magulang, at ‘mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’” Sinabi ng lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang kulang sa akin?” Sumagot si Hesus, “Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”