Mateo 18:1-6
Mateo 18:1-6 ASD
Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, “Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?” Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. “Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maski isa sa maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at lunurin sa pusod ng dagat.

