Mateo 12:18-21
Mateo 12:18-21 ASD
“Narito ang pinili kong lingkod. Minamahal ko siya at kinalulugdan. Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi siya magtataas ng boses sa mga lansangan. Hindi niya ipapahamak ang mahina ang pananampalataya o pababayaan ang nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi ganap na napapairal ang katarungan. At ang kanyang pangalan ang magiging pag-asa ng lahat ng mga bansa.”


