YouVersion Logo
Search Icon

Mateo 11:25, 26, 27, 28, 29, 30

Mateo 11:25 ASD

Nang oras ding iyon, sinabi ni Hesus, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, at ipinaalam mo sa mga taong tulad ng bata sa kaalaman.

Mateo 11:26 ASD

Oo, Ama, dahil iyon ang kalooban mo.

Mateo 11:27 ASD

“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais ng Anak na makakilala sa Ama.

Mateo 11:28 ASD

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Mateo 11:29 ASD

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo

Mateo 11:30 ASD

dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko.”

Free Reading Plans and Devotionals related to Mateo 11:25, 26, 27, 28, 29, 30