Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 10:26-33

Mateo 10:26-33 ASD

“Kaya huwag kayong matakot sa mga taong ito. Sapagkat walang natatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag. Ang mga sinasabi ko lamang sa inyo na walang nakarinig ay ipaalam ninyo sa mga tao; ang mga ibinubulong ko sa inyo ay ipahayag ninyo sa lahat. Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno. Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng dalawang maya? Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ipinapahintulot ng inyong Ama. Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya. “Ang sinumang kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko rin sa harap ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang hindi kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Amang nasa langit.