“Tandaan nʼyo, tulad kayo ng mga tupang sinugo ko sa mga lobo, kaya maging matalino kayong tulad ng ahas, at maamo tulad ng kalapati. Mag-ingat kayo sapagkat dadakpin nila kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari para idemanda dahil sa pagsunod nʼyo sa akin. Ngunit pagkakataon nʼyo iyon upang magpatotoo sa kanila at sa mga Hentil ng tungkol sa akin. At kapag dinala kayo sa hukuman, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin nʼyo o kung paano kayo sasagot. Ipapaalam sa sandaling iyon kung ano ang sasabihin ninyo, sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo. “May mga taong ipagkakanulo ang kanilang kapatid para ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Subalit ang mananatiling matatag sa pananampalataya hanggang sa wakas ay maliligtas.
Basahin Mateo 10
Makinig sa Mateo 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 10:16-22
5 Mga araw
Ano ang hinihingi at inaasahan ni Cristo sa Kanyang mga alagad?
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas