Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malakias 3:9-16

Malakias 3:9-16 ASD

Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa. Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako,” sabi ng PANGINOON ng mga Hukbo. “Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala. Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas bago pa mahinog ang mga ito,” sabi ng PANGINOON ng mga Hukbo. “Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang PANGINOON ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.” PANGINOON “Masasakit ang pinagsasabi nʼyo tungkol sa akin,” sabi ng PANGINOON ng mga Hukbo. “Ngunit tinatanong ninyo, ‘Ano ang pinagsasabi naming masasakit tungkol sa inyo?’ “Sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos. Ano ba ang mapapala natin kung susundin natin ang kanyang mga utos? At ano ang mapapala natin kung nagmumukha tayong nagsisisi sa ating mga kasalanan sa harapan ng PANGINOONGDiyos ng mga Hukbo. Masasabi pa nga natin na mapalad ang mga taong mayabang. Sapagkat sila na gumagawa ng masama ay umuunlad. At kahit na sinusubukan nila ang Diyos, hindi sila pinarurusahan.’ ” Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may takot sa PANGINOON. Pinakinggan ng PANGINOON ang mga sinabi nila. Isinulat sa kanyang harapan ang isang aklat tungkol sa mga taong may takot sa kanya at iginagalang ang kanyang pangalan.