Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 17:1-5

Lucas 17:1-5 ASD

Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng tao. Ngunit nakakaawa ang taong magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa. Mas mabuti pang talian na lang siya ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo. Kahit pitong beses pa siyang magkasala saʼyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo pa rin.” Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.”