Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 13:10-13

Lucas 13:10-13 ASD

Isang Araw ng Pamamahinga, habang nagtuturo si Hesus sa isa sa mga sinagoga, may isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman dahil sa ginawa sa kanya ng masamang espiritu. Baluktot ang katawan niya at hindi siya makatayo nang tuwid. Nang makita siya ni Hesus, tinawag siya at sinabi, “Babae, malaya ka na sa sakit mo.” Pagkatapos, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Diyos.