Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Leviticus 13:1-3

Leviticus 13:1-3 ASD

Sinabi ng PANGINOON kina Moises at Aaron, “Kapag ang balat ng isang tao ay namamaga, may mga butlig at namumuti, iyon ay tanda ng malubhang sakit sa balat. Siyaʼy dapat dalhin sa paring si Aaron o sa isa sa mga paring anak niya. Susuriin ng pari ang balat niya, at kung makita niyang ang balahibo ay namumuti at parang tagos sa laman, may nakakahawang sakit sa balat ang taong iyon. Ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay itinuturing na marumi.