“ ‘Pagkatapos, tumawid kayo sa Ilog Jordan at nakarating sa Jerico. Nakipaglaban sa inyo ang mga taga-Jerico, ganoon din ang mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heteo, Gergeseo, Heveo at Jebuseo. Pinagtagumpay ko kayo laban sa kanila. Pinadalhan ko ng mga putakti ang dalawang haring Amoreo para itaboy sila bago pa kayo dumating. Nanalo kayo hindi dahil sa inyong mga espada at pana. Binigyan ko kayo ng lupaing hindi nʼyo pinaghirapan. Pinatira ko kayo sa mga lungsod na hindi kayo ang nagtatag. Kumakain kayo ngayon ng mga ubas at mga olibo na hindi kayo ang nagtanim.’ “Kaya ngayon, igalang nʼyo ang PANGINOON at paglingkuran nang may katapatan. Itakwil na ninyo ang mga diyos-diyosang sinasamba noon ng mga ninuno ninyo sa kabila ng Ilog Eufrates at sa Ehipto, at sa halip ay maglingkod kayo sa PANGINOON. Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa PANGINOON, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa PANGINOON.”
Basahin Josue 24
Makinig sa Josue 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Josue 24:11-15
3 Days
Life can be unpredictable and confusing, even when we serve God. Things seem at times to be out of control, leaving us to wonder what in the world is going on! If you have ever felt this way or are confused, this new devotional series by Pastor Jim Cymbala is just for you!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas