Kaya, inutusan ni Josue ang mga pinuno ng Israel, “Libutin ninyo ang kampo at sabihin sa mga tao na maghanda ng mga pagkain nila, dahil sa ikatlong araw mula ngayon ay tatawid tayo sa Ilog Jordan upang angkinin ang lupaing ibinigay sa atin ng PANGINOON na ating Diyos.” At sinabi ni Josue sa mga lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases, “Alalahanin ninyo ang sinabi sa inyo ni Moises na lingkod ng PANGINOON matapos niyang sabihin sa inyong, ‘Bibigyan kayo ng PANGINOON na inyong Diyos ng kapahingahan sa pamamagitan ng pagbibigay niya sa inyo ng lupaing ito.’ Sinabi niyang mananatili rito sa silangang bahagi ng Ilog Jordan ang mga asawa, mga anak at mga hayop ninyo. Ngunit ang mga lalaki sa inyo na kayang makipaglaban at armado ay dapat maunang tumawid sa Ilog Jordan kaysa sa mga kapwa ninyo Israelita. Tutulungan ninyo sila hanggang sa ibigay din ng PANGINOON sa kanila ang kapahingahan, gaya ng ginawa niya para sa inyo, at hanggang sa mapasakanila na rin ang lupain na ibibigay ng PANGINOON na inyong Diyos sa kanila. Pagkatapos, maaari na kayong bumalik dito sa silangang bahagi ng Jordan, para angkinin ang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod niya.” Sumagot sila kay Josue, “Gagawin po namin ang lahat ng sinabi nʼyo, at pupunta kami kahit saan nʼyo kami ipadala. Susunod kami sa inyo gaya ng pagsunod namin kay Moises. Samahan nawa kayo ng PANGINOON na inyong Diyos gaya ng pagsama niya kay Moises. Ang sinumang lalabag sa pamumuno at utos ninyo ay papatayin. Kaya magpakatatag po kayo at magpakatapang!”
Basahin Josue 1
Makinig sa Josue 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Josue 1:10-18
13 Araw
Tawagin natin ang aklat ni Joshua, “Exodo: Ikalawang Bahagi,” bilang isang bagong henerasyon ng mga tao ng Diyos na kinuha ang lupang ipinangako niya sa kanila. Araw-araw na paglalakbay kay Joshua habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas