Sumagot si Job, “Kung matitimbang lamang ang dinaranas kong pagtitiis at paghihirap, mas mabigat pa ito kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Iyan ang dahilan kung bakit nagsalita ako ng padalos-dalos. Sapagkat ang mga pana ng Diyos na Makapangyarihan ay nakatusok na sa akin; at ang lason nitoʼy kumalat sa buo kong katawan. Ang mga nakakatakot na pana ng Diyos ay nakaamba na sa akin. Umaatungal ba ang asnong-gubat kung may damo itong kakainin, o umaangal ba ang baka kapag may makakain? Makakain ba ang pagkaing walang lasa kung walang asin? May linamnam ba sa puti lamang ng itlog? Ako man ay wala ring ganang kainin iyan, upang akong masusuka. “Nawaʼy makamtan ko ang aking kahilingan. Sanaʼy ipagkaloob ng Diyos ang aking inaasam-asam, na mas mabuting durugin ako ng Diyos; bawiin na lang ng kamay niya ang aking buhay. At kapag itoʼy nangyari, masaya pa rin ako, dahil sa kabila ng aking paghihirap hinding-hindi ko itinakwil ang mga salita ng Banal na Diyos. “May lakas pa ba ako para akoʼy umasa pa? May mahihintay pa ba ako, para akoʼy magtiis pa? Kasingtigas ba ako ng bato at gawa ba sa tanso ang katawan ko? Hindi! Wala na akong lakas upang iligtas ang sarili ko. Wala na rin akong pagkakataong magtagumpay pa. “Bilang mga kaibigan nais kong damayan ninyo ako sa paghihirap kong ito, kahit na sa tingin ninyoʼy wala akong takot sa Diyos na Makapangyarihan. Ngunit kayong mga itinuturing kong kapatid ay hindi pala maaasahan; para kayong sapa na kung minsaʼy umaapaw at kung minsan namaʼy tuyo.
Basahin Job 6
Makinig sa Job 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 6:1-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas