Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 2:7-10

Job 2:7-10 ASD

Kaya umalis si Satanas sa harapan ng PANGINOON, at pinahirapan si Job ng mga pigsa mula ulo hanggang talampakan. Kumuha si Job ng basag na palayok at ginamit na pangkayod sa kanyang mga sugat habang nakaupo sa abo. Sinabi sa kanya ng asawa niya, “Ano, tapat ka pa rin ba sa iyong Diyos? Sumpain mo na siya at nang mamatay ka na!” Sumagot si Job, “Nagsasalita ka ng walang kabuluhan. Mabubuting bagay lang ba ang tatanggapin natin mula sa Diyos at hindi ang masasamâ?” Sa kabila ng lahat ng nangyari kay Job ay hindi siya nagkasala kahit sa pananalita.