Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 12:44-48

Juan 12:44-48 ASD

Sumigaw si Hesus, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lamang sa akin sumasampalataya, kundi sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. Ako ang ilaw na dumating sa mundo. Naparito ako upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman. “Ang sinumang nakarinig ng aking mga aral ngunit hindi sumunod ay hahatulan, ngunit hindi ako ang hahatol sa kanya. Sapagkat hindi ako naparito sa mundo upang hatulan ang mga tao kundi upang iligtas sila. May ibang hahatol sa ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga aral. Ang mga salitang ipinangaral ko ang hahatol sa kanila sa huling araw.