Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 12:44-48 - Compare All Versions

Juan 12:44-48 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. May ibang hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw.

Juan 12:44-48 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sumigaw si Hesus, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lamang sa akin sumasampalataya, kundi sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. Ako ang ilaw na dumating sa mundo. Naparito ako upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman. “Ang sinumang nakarinig ng aking mga aral ngunit hindi sumunod ay hahatulan, ngunit hindi ako ang hahatol sa kanya. Sapagkat hindi ako naparito sa mundo upang hatulan ang mga tao kundi upang iligtas sila. May ibang hahatol sa ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga aral. Ang mga salitang ipinangaral ko ang hahatol sa kanila sa huling araw.

Juan 12:44-48 TLAB (Ang Biblia)

At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin. Ako'y naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.

Juan 12:44-48 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. May ibang hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw.

Juan 12:44-48 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))