Juan 10:11-17
Juan 10:11-17 ASD
“Ako ang mabuting pastol, at ang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa. Hindi ako katulad ng bayarang pastol, sapagkat ang ganitong tagapagbantay ay tumatakas at iniiwan niya ang mga tupa kapag nakakita ng lobo na paparating. Kaya sinusunggaban ng lobo ang mga tupa at binubulabog. Ang taong iyoʼy nagtatrabaho lamang para sa pera at wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa mga tupa.” “Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila. May iba pa akong mga tupang hindi kasama sa kawan na ito. Kailangang pangunahan ko rin sila, at papakinggan nila ang aking tinig, at magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol. Mahal ako ng Ama, dahil iniaalay ko ang aking buhay, at pagkatapos ay muli akong mabubuhay.








