Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hukom 6:13-15

Mga Hukom 6:13-15 ASD

Sumagot si Gideon, “Ipagpaumanhin po ninyo, Ginoo, pero kung sumasaamin nga ang PANGINOON, bakit ganito ang nangyari sa amin? Bakit hindi na siya gumagawa ng mga kababalaghang gaya ng ikinuwento sa amin ng aming mga ninuno, kung paanong inilabas niya ang mga ito sa Ehipto? Ngunit ngayon, pinabayaan na kami ng PANGINOON at ipinaubaya sa mga Midianita.” Sinabi ng PANGINOON kay Gideon, “Humayo ka at gamitin ang buong lakas mo sa pagliligtas sa Israel mula sa mga Midianita. Ako ang nagsusugo sa iyo.” Sumagot si Gideon, “Ngunit paano ko po maililigtas ang Israel? Ang pamilya po namin ang pinakamahina sa lahi ni Manases at ako naman po ang pinakaaba sa pamilya namin.”