Santiago 5:13-15
Santiago 5:13-15 ASD
Mayroon bang dumaranas ng paghihirap sa inyo? Dapat siyang manalangin sa Diyos. Mayroon bang masaya sa inyo? Dapat siyang umawit ng mga papuri. Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng maysakit. Palalakasin siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya.






