Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Santiago 1:19-27

Santiago 1:19-27 ASD

Tandaan ninyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa ang lahat sa pakikinig, maging mahinahon sa pananalita, at huwag agad magagalit. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao na maging matuwid sa paningin ng Diyos. Kaya talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Diyos na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo. Huwag lang kayong makinig ng salita ng Diyos kundi gawin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang inyong sarili. Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Diyos at hindi naman niya ginagawa ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong nananalamin. At pagkatapos makita ang sarili ay umaalis ito at agad kinakalimutan ang kanyang hitsura. Subalit ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagtupad sa ganap na Kautusang nagpapalaya sa tao ay pagpapalain ng Diyos sa kanyang mga gawain. Siya ang taong hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad ng kanyang narinig, kundi ginagawa rin ito. Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso ngunit hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili. Ang relihiyong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Diyos Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat na hindi mahawa sa kasamaan ng mundong ito.