Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Santiago 1:1-3

Santiago 1:1-3 ASD

Mula kay Santiago na lingkod ng Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo: Sa labindalawang tribong nakakalat sa mundo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok, sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan.